pacman, rainbows, and roller s

Hello!

My Name is Stephen. I live and study in New York. Also i like to make some photographs and music.

A B N K K B S N P L Ko?!
Mga Kwentong Chalk ni Bob Ongt

Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?
Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?
Ano ang lihim sa likod ng pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?
Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?
Masarap ba ang Africhado?
Sino si Tigang?
Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?
Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?
Saan ang Ganges River sa Pilipinas?
Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?
Sino ang webmaster ng bobongpinoy sa Internet?

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong

Ngayong NKKBSKNTLG,
eto na ang sequel...
dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere,
may New Testament ang Old Testament,
at may Toy Story 2 ang Toy Story!

Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan ang Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga taong umaakyat ng overpass pero hindi naman tumatawid. Pero alam mo na rin ba kung bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Kung ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima? Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? At kung bakit nagbabasa pa rin ang mga Pilipino kahit sabihan pang "Bawal Basahin ang Nakasulat Dito"?

Ang Paboritong Libro Ni Hudas

<. - - .> Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro.
<%> Ano?
<. - - .> Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka.
<%> HA?!?!
<. - - .> Surprise!
<%> Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba?
<. - - .> Depende.
<. - - .> Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari?
<%> Hindi ah!
<. - - .> Shoplifter ka?
<%> Lalong hindi!
<. - - .> Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili?
<%> Hindi rin!
<. - - .> Nagpa-xerox ka?
<%> Ba’t mo alam?

Alamat ng Gubat

Welcome to the Jungle!

Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisdong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat.
Ang Librong Pambata Para sa Matatanda!

Stainless Longganisa

Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro Ni Hudas, at Alamat Ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali-- ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at at tamang praan nG pagsusulat...

Capitan Sino

Macarthur

Mga Kaibigan Ni Mama Susan

Lumayo Ka Nga Sa Akin

***